Adbokasiya


Tambayan ni Juan

Ang adbokasiyang ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa Wikang Filipino. Ito ay dahil, ang paggamit ng Wikang Filipino ay isa sa mga simbolo ng pagiging maka-Pilipino. Kung kaya’t nagimplementa kami ng tinatawag na “Tambayan ni Juan”. Ang “Tambayan ni Juan” ay nakaimplementa sa Old Gym (isang lugar sa De La Salle Lipa). Kung saan, ang mga estudyante ay kinakailangan magsalita ng Wikang Filipino kapag makikipagtalastasan sa kapwa nila estudyante o kahit sa kani- kanilang guro. 

Layunin

Ang layunin ng adbokasiyang ito ay makapaghikat pa ng mga estudyante na pahalagahan ang Wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit nila nito. Ito rin ang magiging daan sa pagiging pamilyar nila sa mga salita ng Wikang Filipino na hindi pa nila alam. Kung kaya’t, ang layunin din nito ay ang pagiging bihasa o sanay ng mga estudyante sa paggamit ng Wikang Filipino. Para sa karagdagan, layunin din nito na maipaalam sa estudyante na ang paggamit ng Wikang Ingles ay hindi nagsasabing mataas na ang isang tao. Kaya’t ito rin ang daan para maipakita sa estudyante na hindi dapat ikahiya ang Wikang Filipino dahil ito ang sumisimbolo ng pagkakaisa.

Benepisyo

Ang pagkakaimplementa ng Tambayan ni Juan sa paaralan ng De La Salle Lipa ay maaring makatulong sa mga estudyante ng nasabing paaralan. Ito ay maaaring maging daan para sa mga estudyante na makapagsanay ng Wikang Filipino sa pakikipagusap o pakikipagtalstasan. Makakatulong rin ito para sa mga estudyante na maging bihasa o sanay sa paggamit ng Wikang Filipino. Sa karagdagan, ang mga magiging resulta ay maaring maging daan upang maging pantay ang tingin ng mga tao sa paggamit ng iba’t ibang wika. Hindi na masasabi na mataas ang isang tao kapag Wikang Ingles ang kanyang ginagamit sa pakikipagusap. Dahil dito, hindi na ikakahiya ng mga tao na gumamit ng Wikang Filipino imbis na Wikang Ingles sa pakikipagusap o pakikipagtalastasan. Lahat ng nasabing benepisyo at magiging resulta ay makakatulong upang umunlad ang ating bansa. Ito ay dahil, mapapalaganap lalo ang Wikang Filipino at magkakaisa na ang mga tao sa ating bansa. 
 
Free Flash TemplatesRiad In FezFree joomla templatesAgence Web MarocMusic Videos OnlineFree Website templateswww.seodesign.usFree Wordpress Themeswww.freethemes4all.comFree Blog TemplatesLast NewsFree CMS TemplatesFree CSS TemplatesSoccer Videos OnlineFree Wordpress ThemesFree CSS Templates Dreamweaver