Ang layunin ng
adbokasiyang ito ay makapaghikat pa ng mga estudyante na pahalagahan ang Wikang
Filipino sa pamamagitan ng paggamit nila nito. Ito rin ang magiging daan sa
pagiging pamilyar nila sa mga salita ng Wikang Filipino na hindi pa nila alam.
Kung kaya’t, ang layunin din nito ay ang pagiging bihasa o sanay ng mga
estudyante sa paggamit ng Wikang Filipino. Para sa karagdagan, layunin din nito
na maipaalam sa estudyante na ang paggamit ng Wikang Ingles ay hindi
nagsasabing mataas na ang isang tao. Kaya’t ito rin ang daan para maipakita sa
estudyante na hindi dapat ikahiya ang Wikang Filipino dahil ito ang sumisimbolo
ng pagkakaisa.