Ang
pagkakaimplementa ng Tambayan ni Juan sa paaralan ng De La Salle Lipa ay
maaring makatulong sa mga estudyante ng nasabing paaralan. Ito ay maaaring
maging daan para sa mga estudyante na makapagsanay ng Wikang Filipino sa
pakikipagusap o pakikipagtalstasan. Makakatulong rin ito para sa mga estudyante
na maging bihasa o sanay sa paggamit ng Wikang Filipino. Sa karagdagan, ang mga
magiging resulta ay maaring maging daan upang maging pantay ang tingin ng mga
tao sa paggamit ng iba’t ibang wika. Hindi na masasabi na mataas ang isang tao
kapag Wikang Ingles ang kanyang ginagamit sa pakikipagusap. Dahil dito, hindi
na ikakahiya ng mga tao na gumamit ng Wikang Filipino imbis na Wikang Ingles sa
pakikipagusap o pakikipagtalastasan. Lahat ng nasabing benepisyo at magiging
resulta ay makakatulong upang umunlad ang ating bansa. Ito ay dahil,
mapapalaganap lalo ang Wikang Filipino at magkakaisa na ang mga tao sa ating
bansa.