Ang
adbokasiyang ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa Wikang Filipino. Ito ay
dahil, ang paggamit ng Wikang Filipino ay isa sa mga simbolo ng pagiging
maka-Pilipino. Kung kaya’t nagimplementa kami ng tinatawag na “Tambayan ni
Juan”. Ang “Tambayan ni Juan” ay nakaimplementa sa Old Gym (isang lugar sa De
La Salle Lipa). Kung saan, ang mga estudyante ay kinakailangan magsalita ng
Wikang Filipino kapag makikipagtalastasan sa kapwa nila estudyante o kahit sa
kani- kanilang guro.